JOLOGS IS BROWN...

... and i'm a brown monkey

Wednesday, March 22, 2006

Ang Mahiwagang Panyo.

Bata pa ako nang huling magdala ng panyo sa aking bulsa. Sabi kasi sakin dati, kasama daw ito sa "proper hygiene" ng isang batang babae. Totoo nga naman, ayos talaga 'to kapag may emergency, halimbawa, kung ika'y biglang sinipon. Ngunit bihira kong ilabas ang aking mga magagandang panyo sapagkat hindi ko magawang gamitin at ayokong mabahiran ng dumi ang pink embroidery ng aking pangalan (o ang puti'i dilaw na polka dots at lace).

Laking gulat ko tuloy nang nagawi ako sa Bicol noong nakaraang taon at nakita kong may mga tao palang nakasalalay ang buhay sa kanilang mga panyo. Totoo!

Nasa simbahan kami noong isang mainit na tanghali. Hindi ako mapakali dahil sa pawis na tumatagaktak sa aking leeg. Imbis na makinig sa magandang balita na ipinapahayag ng pari, pinagmasdan ko ang mag-inang pumuwesto sa harap ng aking kinalalagyan. May hawak na panyo ang nanay, maraming bulaklak at medyo kupas. Papasok pa lamang siya ng simbahan, nagsisimula pa lang ang misa. Ipinantatakip ng ale ang maliit na tela sa kanyang ilong at bibig. Nakaupo na siya at lahat, naayos na ang palda ng kaniyang anak, at hawak parin niya ang panyo sa kanyang ilong. Nagtaka ako ng ilang sandli kung baka naman nakadikit ang tela sa kanyang mukha, ngunit hindi naman. Wala naman akong naamoy na 'di kanais-nais at hindi ko maintindihan kung bakit niya pilit na tinatakpan ang kalahati ng kanyang mukha. Inisip ko rin na baka tinatakpan niya ang kanyang pangit na ilong, ngunit sa susunod na sandali ay bigla niyang ibinaba ang panyo at wala naman akong nakitang kahiya-hiya. Hindi ko maintindihan ang gawaing ito -- at nakikita ko ito sa kababaihan lamang (madalas sa hintayan ng dyip o sa pagtawid ng kalye). Kulang nalang ay itahi ang panyo sa kanilang mga pisngi... very Arabic ang dating.

Tumayo ang lahat sa simbahan, Glorya na. Nalibre lang pala ang kamay ng ina sapagkat siya'y naiinitan. Wala pang dalawang minuto ang nakaraan mula nang mawalay ang panyo sa kanyang mukha, ay sa leeg naman ito napadpad. Pinamunas muna niya ng pawis sa leeg ang kanyang panyo... at biglang bumalik sa kanyang ilong! Inaamoy ba niya ito? Ah hindi... pinupunasan din niya ang kanyang buong mukha. Tinignan niya ang kaniyang anak na sa kasalukuyan ay kumakain ng mumurahing chicherya na panay pulbos. 'Naku! (Sabi siguro ng nanay,) ang dungis ng anak ko!' Dalian niyang pinunasan ang bibig ng bata, gamit parin ang kanyang floral na panyo. Pagkatapos ay pinampunas din niya ito ng kamay ng bata na nanlagkit na sa tunaw na kending may sari-saring kulay.

Naisip siguro ni inay na puro junk-food na ang pinagkakakain ng kanyang anak, kaya inilabas na niya ang dede ng bata. Pagkatanggal ng takip ay pinunasan niyang muli ang dede, gamit parin ang iisang panyong nanggaling na sa kanyang ilong, bibig, leeg, at puno na ng durog na chicherya at malagkit na kendi! Nandiri ako. Hindi na ata ito kasama sa "proper hygiene", ngunit tuluyan ko parin silang pinanood, parang isang kadiring pelikula.

Pinauupo nanaman ang kongregasyon, ngunit nakita ng nanay ang kalat ng kanyang anak. Pinunasan niya ang kanilang upuan. Pagkatapos ng ilang sandali, pinaluluhod ang lahat. Matigas ang luhuran, kaya inilagay niya ang panyo sa ilalim ng kanyang tuhod. Ang kanyang walang-muang-na-anak naman ay umakyat sa upuan at naglakad-lakad sa ibabaw nito. Walang kibo ang nanay: baka normal ang pag-tayo sa upuan sa Bicol? Normal din kayang punasan muli ang upuan pagkatapos bumaba ang kaniyang anak? Ginawa niya ito, ngunit sa palagay ko'y mas nagkakalat pa ng dumi ang kanyang panyo kaysa nakakalinis ng paligid.

Nang siya'y tumayo mula sa pagkakaluhod, nahulog ang kanyang panyo sa sahig. Dinampot ito ng ina at madaliang ipinagpag. Tumungo ako nang tuluyan niya itong ipinapagpag, dahil sa guni-guni ko ay lumilipad ang mikrobyo nito patungo sa akin at ako'y nanghina. Talaga namang umihip pa ata ang hangin sa paggawa niya nito at nadiskubre niyang maaari ding gawing pamaypay ang kanyang panyo! Napakamahiwaga talaga!

Pagkatapos ng misa at palakad na ang mag-ina palabas ng simbahan, parang automatik ang pagbalik ng panyo sa ilong ng nakatatanda. Oo nga naman, sino nga bang gustong maka-ihip ng dumi sa paligid? Mabuti nang may proteksyon mula sa MAHIWAGANG PANYO!


*Wow this was a complicated exercise. I will try to edit, but then I think it would have worked better in English. I even have a better title: The Magic Anti-Bacterial Hanky! The humor just doesn't work in Tagalog. Besides, my vocabulary is so limited to the vernacular, hardly enough to describe in detail, that I tend to repeat words over and over.

Tuesday, October 25, 2005

I met the Jolina!



mark, sheryn, kaye, rachelle, jed



shet ako nung nasa gitna, parang ako nung artista hehe. ang liit ni sheryn, and meron siyang bigote. (oy i'm not bad mouthing her ha, i was just making an observation.) i'm sorry, listen to this conversation.

k: hi, i'm with the up concert chorus, my friend here wants a picture with you guys. (a trainee, anna, was the one who really wanted to have her picture taken, pero gusto niya with mark lang. dahil dyahe namang mang-single out, edi silang lahat nalang. eh ni pangalan nung jed, hindi kami familiar, but whatever. i urged her to ambush the "stars" with me, kasi may camera ako.)
sheryn: sure! oy ha, tulungan niyo kami sa show ha? (palibhasa, mahina pick-up niya sa kanta).
(i took a picture of anna with them).
k: o, me naman. (then i went to them, shempre sa gitna talaga pu-mose ang lola niyo. mark then starts to look at me closely.)
mark: hey, haven't we met before? (shet kinilig ako, wahaha jologs.)
k: yeah, we sang together at sm. ( <--- nagi-increase nung jologs level, sa sm!)
(then anna took the picture of us, then as soon as it clicked, i saw mark look back at me agad <-- uy ang feeling, haha).
mark: that's right, kela--...
k: ok great, thanks guys, we'll see you tomorrow ok?

haha, tama bang 'di siya patapusin? at para akong boss na pinagde-day off na sila. HAHA nung dignity ko kasi, tinapik ako sabi, "hoy 'wag mukhang mashadong excited". so ayun, kunwari wala akong pakialam.

* * * * *


aiiie! kilig nanaman ako. mark talaga, lagi akong sinusulyapan, charing HA HA. ito nung kilig kwento ko for tonight.

1) pinapakilala nung ibang members namin sa kanya. nung ako na nung next, sabi niya, "kilala ko na yan!" naiinis lang ako kasi hindi naman talaga niya ako kilala 'coz he doesn't know my name. eh kung pinatuloy niya nung introduction, baka next time alam na niya nung name ko, but no. psssch. kakanta nalang ako ng, "you don't know my name, baby baby baby..."

2) edi tapos na nung show. i was on my way to the bathroom, and i passed by them, someone was having their picture taken with them. eh bago pako makarating sa door ng baƱo, natapos na nung picture. so before i closed the door, may pahabol siyang wave and "bye! see you!" oooy, um-effort! :D


ok ang babaw ko noh? pero nung other goal of the night ko was to have a picture with JOLENS, the one and only! so after ako nagpa-picture kay jay-r (ulit, HA HA pangalawa na 'to) na pangit ako kaya na-sad ako, nakita ko si k. so after kami magbeso and chitchat chenes, sabi ko, "uy, can i be weird and ask you to take my picture with jolina?" shempre payag naman siya... epal naman ang jay-r and kyla, kasi gusto ko lang naman si jolina, so fine, silang tatlo. pero humirit pa si jolina, "karylle, why don't you join the picture?" sabi ni k, "eh she's my friend!" eh nahiya nako dibah? so sabi ko, "no of course, sumama ka sa pic." haaaay there goes my dream of a picture with jolina, the queen and root of all that is jologs *sigh*, este *buntung-hininga*

so ano pa kundi pictures?

(before that, can i just say i hate it when people take ugly pictures, because when i'm asked to take someone's picture, i make sure it looks nice. argh, this calls for another *buntung-hininga* and this is why i'm not posting my picture with jay-r 'coz i look soooo nasty.)



oh jolina, my queen!

Thursday, September 29, 2005

Noong makalawa...

Sinagutan ko ito sa comment page ng blog ni Macy. [Hanapin sa tabi -- Mace @ Orangepocket.]

Magsulat raw ng dalawampung anik-anik tungkol sa sarili. Sa madaling salita, isa nanaman itong sarbey. Kung ilang minuto mo nagawa ito, yan ang bilang ng taong kailangan mong pasahan ng sarbey. Ilalagay ko dito kasi may mga nagsabing nakakatawa nanaman daw at bagay dito sa mundo ng "Jologs is Brown".

Oras sinimulan: 13:21

1. Naglagay nanaman akong nailpolish two days ago. Ang sayasaya talaga ng feeling kapag maganda ang kuko mo. Dalawang kulay pa ng pink, ang sayasaya!

2. Kakakain ko lang ng Tinola at banana cream pie.

3. Ayokong naghahawak ng pera (madumi!!), pero ako ang Finance Manager ng grupo namin, yaaaak.

4. Lagi kong iniisip na sana maganda ako.

5. May dalawa akong aso na labrador retrievers. Maganda sila. Si Chili at si Kani. Otherwise known as "Chili con Kani" -- tagteam foreverrrr!

6. Mashado akong sentimental at lahat ng gawin ko o lugar na puntahan ko, kailangan may souvenir.

7. Meron akong 9 (siyam?) na blog diyan sa tabi-tabi, pero nung dalawa ay para sa UPCC.

8. Imbyerna ako sa mga mayayabang na taong walang maipagyayabang.

9. Pinanganak akong may jaundice at allergic sa sarili kong dugo.

10. Meron din akong atopic-dermatitis. Allergic ako sa peanuts, chocolates, egg yolk, lahat ng gawa sa wheat (Hello andami non! This includes bread, rice, cakes LA LA LA), araw, alikabok. Di ko naman maiwasang kainin ang mga ito kaya lagi akong nagkakamot, at hindi ibig sabihin madumi ako.

11. Ayokong magtrabaho sa isang opisina, pero gusto kong yumaman as in! Ayoko maging poor, Lord please huwag.

12. Favorite cartoon movie ko ay "Lion King", at feeling ko bagay ako as baby Simba or Rafiki.

13. Speaking of cartoons, kamukha ko daw si Garfield. Baka kaya favorite cartoon character ko siya mula pagkabata. (Kahit na hindi nako natatawa sa comic strip na ito ngayon).

14. Gustong-gusto kong kumuha ng mga litrato... at tumingin... at ngumiti!

15. Mahilig akong sumayaw, kumanta at kung ano-ano pa. Hindi ako mashadong magaling pero hilig ko talaga ito. As in mamamatay ako kung hindi ko nagawa sa isang araw ang kahit alin dito. Kumanta nako kanina. May bukas pa.

16. Sana makapal ang buhok ko, pero yun lang. Gusto ko ang kulay nito at ang korte at kulot/waves.

17. Gusto kong pumayat at maging 100 lbs. kaso lang di ko magawang magpigil sa pagkain. MASHADONG MASARAP OK!?

18. Hm, mejo natatae na ata ako ngayun... baka dahil sa Tinola... o sa saging.

19. Malaki ang minamaneho kong koche. Kasing laki ko!

20. GUSTO KONG MAG-GALA! GUSTO KONG MAPUNTAHAN LAHAT NG LUGAR SA BUONG MUNDO!

Oras natapos: 13:34



Shet labing-tatlong minuto din yun. Wala naman akong labing-tatlong kaibigan. Kaya wala akong mapagpa-pasahan. Bahala na.