ITULAD BA 'KO SA MANOK?!
Most of my friends know about my hair situtation -- na konti lang buhok ko, manipis pa! So one time, napag-usapan nanaman ang buhok ko in one of the conversations. Pinag-interesan nanamang pagtawanan ang aking journey into kalbo-hood/kalbo-ness/kalbo-dom (whichever sounds more cruel). As always, pagkatapos akong lait-laitin at alaskahin, babawi sila by saying that they're just concerned and that they just want to help. Believe me, I've heard so many suggestions about how to solve my hair problem.
1) Sabi ng babae sa salon ko (Precy's sa Greenhills), mag-shampoo daw ako ng gugo - mahahanap daw 'to sa kahit saang grocery. Sinabi niya yun pagkatapos niyang tumili-tili dun sa may rinsing section bago ako gupitan. Nagulat daw kasi siya sa nipis ng buhok ko, na hindi naman daw mukhang ganon kanipis (note the operative words: GANON KANIPIS, meaning mukha na ngang manipis, sobra-sobra pa pala in reality!) So fine, bumili ako ng gugo. Hindi kumapal ang buhok ko, bumaho lang.
2) Sabi ng derma ko (Dra. Lilia Santiago sa Makati), bumili daw ako ng aloe plant sa palenke (o kung saan man). Biyakin ko daw ito at kunin ang gata at i-masahe sa aking scalp. Mabaho daw pero subukan ko daw kasi kilala daw ang aloe sa kanyang growing-factor. O dibah, may super powers ang halamang 'yan. Hindi ko pa 'to nagagawa, bakit nga ba? Hm, mahirap kasi mahanap ang aloe. Minsan nakakahanap ako nung aloe juice (na una kong natikman sa korea)... ang sarap. Eh kung 'yun kaya nung ipampaligo ko? Mahal nga lang.
3) Magpagupit daw ako ng maikling-maikli (as in boy's cut) -- pero di ko pa 'to magagawa dahil kasama pa 'ko sa choir ko na kailangang naka-pusod. (PUSOD NA MAHIGPIT. Eh kaya naman ako nauubusan ng buhok dahil dito eh! Sa sobrang higpit, umaakyat na nung hairline ko. Maya-maya makikita mo, nung keps ko na nung nasa lugar ng bibig ko sa sobrang higpit. Napag-uusapan namin 'to ng aking baklang kaibigan.)
4) Huwag daw akong maghugas ng buhok araw-araw. Nasubukan ko na 'to (at aaminin kong minsan nangyayari pa rin kapag tinatamad ako). Hindi ko kaya. Nangangati nung ulo ko. Eh kung hindi yun nagpa-kapal ng buhok ko, edi nauubusan na nga ako ng buhok, sugat-sugat pa nung ulo ko. 'Wag nalang, huy.
5) Gumamit daw ako ng shampoo na may menthol kasi this stimulates the hair follicles for hair growth daw. Nabasa ko 'yan somewhere. Sinubukan ko narin. Pagkatapos 'kong maligo, HUWAW! Feeling ko, buhay na buhay nga ang mga follicles ko (oo, subukan mo, mararamdaman mo rin!) Pero pag natuyo na nung buhok ko, ayun, manipis nanaman. Este, manipis pa rin.
6) 'Wag daw akong maligo ng mainit na tubig. Ang mga manok daw kasi, kapag tinatanggalan ng balahibo bago iluto, binababad sa mainit na tubig para manlagas nung feathers. Eh kung maligo daw ako ng mainit na tubig, manlalagas din nung buhok ko. Malang-malang kong sabihin, "Huy hindi ako manok, noh!"
O ano, pano na ba 'tong buhok ko? Meron nang statement of the problem. Meron ka rin bang scientific explanation o hypothesis? Let me know... kahit maputi na ang buhok ko.

2Comments
At 10:33 PM,
Macy said…
haha I love this blog of yours! <3
At 9:59 PM,
Anonymous said…
hai...pareho din pala tau ng prob...
ganyan din kasi ako, mahilig kasi akong maligo ng mainit sa umaga pag papasok ako. na try ko na rin ang alovera un nga lang ang baho, sa shampoo nmn minsan d na ko ngshashampoo, pero pag natuyo na buhok ko feeling ko tuyung-tuyo ang buhok ko.. hayy... well sana nga makahanap tau ng mas mabisang gamot para sa buhok ntin...
-unknown-08-26-08
Post a Comment
<< Home