JOLOGS IS BROWN...

... and i'm a brown monkey

Monday, August 08, 2005

I'm just being honest...

... Eh ayoko talaga ng pangit!

Kitang-kita namang hindi rin ako kagandahan, pero alam kong hindi ako mukhang damo o paa (hm, pero may nagsabi na mukha raw akong pato). O, 'wag magkunwari. 'Wag sabihing "Wala namang taong pangit". Aminin! May mga pangit talagang tao. Nung tipong sana hindi mo nalang sila nakikita kasi sumasama nung araw mo. Pero kawawa naman sila. Hindi naman nila kasalanang pangit sila pinanganak. PERO!... hindi ibig sabihing wala silang magagawa tunkol dito.

Feeling ko ang mga pangit, kailangang may extra effort. Pasensya na, ganun talaga ang buhay. Kung pangit ka, kailangan may factor na babawi sa kapangitan mo.

Kung pangit ka, kailangan:

1) Matalino ka. Kaya nga may tinatawag na "beauty and brains", kasi hindi ito karaniwan sa isang nilalang. Kalimitan ay iisa lamang: maganda ka, o matalino ka. Ayun na nga. Kung nakita mong pangit ang anak mo paglabas sa sinapupunan ('wag nang i-deny kung sobrang obvious), tambakan mo na ng mga libro at pilitin ang dunong dito. Pray to God na ginawa siyang matalino at sana lumaking isang genio. Kung hindi parin... puwede namang gawing over-acheiver. Diba nga nurture vs. nature?

Pangit ako... pero matalino. CHECK!


2) Meron kang kakibang talento. Maaaring talentado ka sa pagsayaw, pagpinta o paggawa ng kung anumang sining. Kung magaling kang kumanta, karaniwa'y napapatawad ang kapangitan. Minsan kasi, kahit mukhang aso, eh kung boses ibon (hal. nightingale), napapapikit ang tao at nalilimutan ang itchura ng umaawit. Napapamahal ang tao sayo dahil meron kang magandang naibibigay sa mundo. 'Di lang naman ang mga talentong ito ang pambawi. Maaaring talento sa pagkain ng apoy o pagtambling-tambling. Bagay na bagay ka na niyan sa perya.

Pangit ako... pero meron akong kakaibang talento. CHECK!


3) Nakakatawa ka. Kaya nga maraming comediante na pangit -- kasi bagay sila sa propesyong iyon. Makita pala sila eh nakakatawa na, tapos na agad ang trabaho. Kung wala ka namang ibang magandang maidudulot sa mundong ibabaw, magpatawa ka nalang at nagbigay ka pa ng kasiyahan.

Pangit ako... pero nakakatawa ako. CHECK!


4) Mabait ka. Hindi ko naiintindihan ang mga pangit na tao na masama pa ang ugali. Ang kapal naman ng mukha nila. 'Di ba nila naisip na isang malaking sugal 'yon sa kanilang pagkamit ng mga kaibigan? Hindi na nga sila kanais-nais tignan, hindi pa sila kanais-nais na makasama. Hello? Paalala: pangit ka at bawal mag-inarte! Diba minsan, kapag tinatanong mo ang iyong kaibigan tunkol sa kanyang bagong syota, "Bakit mo siya nagustuhan? Gwapo?" Ang sagot ay, "Mabait." Ibig sabihin, pangit pero mabait. Sa madaling salita, kahit pangit, basta mabait ay aprub. Kaya mga pangit diyan, magpaka-bait!

Pangit ako... pero mabait. CHECK?!?! (Eh sinusulat ko nga 'to?)


'Di bale. Three out of four ako. 75% compensation; and to think hindi naman ako 100% ugly, so baka over-quota pa nga ako!


*This is aimed at, but not dedicated to, kat-e ng college of music na inaaway ang kaibigan kong si Teresa. Happy birthday, Tere. Isa kang magandang tao. I labyuuu!

Tuesday, August 02, 2005

ITULAD BA 'KO SA MANOK?!

Most of my friends know about my hair situtation -- na konti lang buhok ko, manipis pa! So one time, napag-usapan nanaman ang buhok ko in one of the conversations. Pinag-interesan nanamang pagtawanan ang aking journey into kalbo-hood/kalbo-ness/kalbo-dom (whichever sounds more cruel). As always, pagkatapos akong lait-laitin at alaskahin, babawi sila by saying that they're just concerned and that they just want to help. Believe me, I've heard so many suggestions about how to solve my hair problem.

1) Sabi ng babae sa salon ko (Precy's sa Greenhills), mag-shampoo daw ako ng gugo - mahahanap daw 'to sa kahit saang grocery. Sinabi niya yun pagkatapos niyang tumili-tili dun sa may rinsing section bago ako gupitan. Nagulat daw kasi siya sa nipis ng buhok ko, na hindi naman daw mukhang ganon kanipis (note the operative words: GANON KANIPIS, meaning mukha na ngang manipis, sobra-sobra pa pala in reality!) So fine, bumili ako ng gugo. Hindi kumapal ang buhok ko, bumaho lang.

2) Sabi ng derma ko (Dra. Lilia Santiago sa Makati), bumili daw ako ng aloe plant sa palenke (o kung saan man). Biyakin ko daw ito at kunin ang gata at i-masahe sa aking scalp. Mabaho daw pero subukan ko daw kasi kilala daw ang aloe sa kanyang growing-factor. O dibah, may super powers ang halamang 'yan. Hindi ko pa 'to nagagawa, bakit nga ba? Hm, mahirap kasi mahanap ang aloe. Minsan nakakahanap ako nung aloe juice (na una kong natikman sa korea)... ang sarap. Eh kung 'yun kaya nung ipampaligo ko? Mahal nga lang.

3) Magpagupit daw ako ng maikling-maikli (as in boy's cut) -- pero di ko pa 'to magagawa dahil kasama pa 'ko sa choir ko na kailangang naka-pusod. (PUSOD NA MAHIGPIT. Eh kaya naman ako nauubusan ng buhok dahil dito eh! Sa sobrang higpit, umaakyat na nung hairline ko. Maya-maya makikita mo, nung keps ko na nung nasa lugar ng bibig ko sa sobrang higpit. Napag-uusapan namin 'to ng aking baklang kaibigan.)

4) Huwag daw akong maghugas ng buhok araw-araw. Nasubukan ko na 'to (at aaminin kong minsan nangyayari pa rin kapag tinatamad ako). Hindi ko kaya. Nangangati nung ulo ko. Eh kung hindi yun nagpa-kapal ng buhok ko, edi nauubusan na nga ako ng buhok, sugat-sugat pa nung ulo ko. 'Wag nalang, huy.

5) Gumamit daw ako ng shampoo na may menthol kasi this stimulates the hair follicles for hair growth daw. Nabasa ko 'yan somewhere. Sinubukan ko narin. Pagkatapos 'kong maligo, HUWAW! Feeling ko, buhay na buhay nga ang mga follicles ko (oo, subukan mo, mararamdaman mo rin!) Pero pag natuyo na nung buhok ko, ayun, manipis nanaman. Este, manipis pa rin.

6) 'Wag daw akong maligo ng mainit na tubig. Ang mga manok daw kasi, kapag tinatanggalan ng balahibo bago iluto, binababad sa mainit na tubig para manlagas nung feathers. Eh kung maligo daw ako ng mainit na tubig, manlalagas din nung buhok ko. Malang-malang kong sabihin, "Huy hindi ako manok, noh!"

O ano, pano na ba 'tong buhok ko? Meron nang statement of the problem. Meron ka rin bang scientific explanation o hypothesis? Let me know... kahit maputi na ang buhok ko.